Sponsor Links

Tuesday, December 16, 2008

Mrs. Philippines 2009 makikilala na!

Matapos ang mabusising proseso sa pagkuha ng mga aplikante para sa Mrs. Philippines, 30 naggagandahang kandidata ang napili.

Ang lineup ng Mrs. Philippines 2009 candidates ay ipinakilala noong Disyembre 3, 2008 sa Fernwood Garden, Quezon City.

Ang naturang masweteng mga babae ay mga plain housewives to entrepreneurs, educators, corporate managers, athlete, TV host, models at ngayon pwedeng maging beauty title holder.

Ang Mrs. Philippines 2009 candidates ay magkakaroon ng hectic schedules kung saan haharap sila sa pre pageant activities kasama ang community works (milk feeding, free pregnancy tests, tree planting, atbp.) cooking showdowns, fashion shows, at TV guestings. Kasama pa rito ang usual swimsuit, talent at Q&A, at evening gown competitions.

Gaganapin ang Mrs. Philippines pageant sa Disyembre 17, 2008 sa Aliw Theater, Pasay City. Mapapanood ito sa QTV 11 sa Disyembre 20, 2008, 9-11 PM

No comments:

Post a Comment