Sponsor Links

Friday, December 26, 2008

Singer Eartha Kitt Patay na

Nagluluksa ang Ame­rican music industry dahil sa pagpanaw noong Pasko ng legendary singer na si Eartha Kitt. Colon cancer ang ikinamatay ng singer na pumanaw noong Huwebes sa Columbia Presbyterian Hospital sa Connecticut.
Kinikilala si Eartha bilang isa sa mga versatile performer sa Amerika.

Nagwagi siya noon ng dalawang Emmy Awards at tumagal ng anim na dekada ang kanyang singing career.
Naging kontrobers­yal si Eartha dahil sa pagbatikos niya sa Vietnam War nang dumalaw siya sa White House noong dekada ‘60.
Lumaking ulila si Eartha. Hindi malilimutan ng publiko ang kanyang pahayag tungkol sa pagiging ulila niya: “I’m an orphan. But the public has adopted me and that has been my only family. The biggest family in the world is my fans.”

No comments:

Post a Comment