Sponsor Links

Tuesday, January 6, 2009

Oportunidad ng trabaho sa ME lalo na sa Kuwait positibo -- labor exec

Tinatayang 12,000 trabaho ang maaring pasukan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait ngayong taon, ayon sa isang opisyal ng Department of Labor.

Sinabi nitong Martes ni Labor Attache Josephus Jimenez na nakabase sa Kuwait na malaki pa rin ang oportunidad sa Middle East ngayong 2009 lalo na sa Kuwait.

"Kuwait is not a credit economy, it is a cash economy, and it will continue to need people for jobs in hotels, malls, fast-food chains, and hospitals," pahayag ni Jimenez.

Malaki rin umano ang pangangailangan ng Kuwait para sa mga manggagawa sa industriya ng langis at construction business.

Hanggang ngayon ay wala pa umanong Pinoy sa Kuwait na nasibak sa trabaho dahil sa global financial crisis, ayon kay Jimenez.

Nagsisikap din umano ang pamahalaan na mabigyan ng magandang kontrata ang mga OFWs at mailayo ang mga Pinoy sa mga trabahong tinawag na "5 Ds -- dirty, difficult, dangerous, degrading, and deceptive."

Sa ngayon, tinatayang 140,000 ang OFWs sa Kuwait kung saan halos kalahati sa mga ito ay nagtatrabaho bilang household service workers.

Samantala, pinayuhan ni Labor Secretary Marianito Roque ang mga OFW na maging maingat sa kanilang desisyon na lumipat ng trabaho sa kabila ng pangambang krisis sa mundo.

“Unless you get an exciting offer, stick with the job you have right now," ayon sa kalihim.

Tumanggi si Roque na nagbigay ng bagong talaan ng posibleng trabaho sa ibang bansa na posibleng mawala dahil sa paghina ng ekonomya sa mga maraming bansa kabilang na ang Amerika.

No comments:

Post a Comment