Inaasahang aabot sa limampung libong overseas Filipino workers (OFWs) ang mawawalan ng trabaho ngayong taon dahil sa paghagupit ng global economic crisis.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang nasabing bilang ng mga OFWs na unang tatamaan ng global financial crisis ay mula sa mga bansang Taiwan, Dubai at South Korea.
Sa ngayon, tinatayang nasa 5,000 OFWs na ang nawalan ng hanapbuhay sa Taiwan, Dubai at South Korea at inaasahan pa ang paglobo nito hanggang sa 50,000 sa taong ito, ayon kay DOLE Sec. Marianito Roque.
Gayunpaman, tiniyak ni Roque sa mga apektadong OFWs na makakahanap sila ng ibang hanapbuhay sa sandaling magbalik sila sa Pilipinas habang ang iba naman ay maaaring magsanay upang umiba ng linya ng trabaho.
Iginiit pa ni Sec. Roque na tuluy-tuloy din ang gagawing deployment ng gobyerno ng mga manggagawang Pinoy sa kabila ng krisis.
Sinabi pa ng kalihim na araw-araw ay nakakapag-deploy ang gobyerno ng 3,000 manggagawa. Ang pag-akyat sa bilang ng deployment ay tumaas ng 24 porsiyento o katumbas ng 1.3 milyon noong nakaraang taon (2008).
Sa pagtataya, ang deployment mula Enero hanggang Oktubre ay umabot na sa 1.115 milyon o 25.5 porsiyento, mas mataas sa bilang ng mga umaalis na Pinoy sa kahalintulad na panahon noong 2007, ayon sa tala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Sponsor Links
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment