Hindi na pinagre-renew ng kanilang kontrata at sa halip ay pinauuwi na sa Pilipinas ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa Cyprus.
Ito ay makaraang magpasya ang pamahalaan ng naturang bansa na iprayoridad ang kanilang mga kababayan sa local job opportunities.
Sa ilalim ng batas ng Cyprus, kailangang tuluy-tuloy na magtrabaho at manirahan sa kanilang bansa ang isang dayuhang manggagawa bago ito magkuwalipika na kumuha ng ‘permanent residency’ ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ito ipinagkaloob ng dayuhang gobyerno sa kuwalipikadong mga Pinoy workers at sa halip ay puwersahan na itong pinababalik ng Pilipinas pagkatapos ng kanilang kontrata.
Isa si John Tumagda sa mga OFW na patapos na ang 5-taong kontrata at nakatakdang bumalik ng Pilipinas. Kahit umano ‘in demand’ ang mga Pinoy chef na tulad niya sa Cyprus ay hindi pa rin ire-renew ang kanyang kontrata dahil ito ang polisiya ngayon ng naturang gobyerno.
Kaugnay nito, iniulat naman kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umabot na sa 312 ng kabuuang 439 nasisante at nagsiuwing OFWs ang natulungan na ng pamahalaan at naipila sa mga recruitment agencies para muling makapagtrabaho sa abroad.
Sponsor Links
Showing posts with label gulf country. Show all posts

Sunday, December 28, 2008
Pinakabatang Pinoy pina-deport ng Iran
Isang bagong silang na sanggol ang pina-deport mula sa pagkaka-stranded sa Kish Island sa Iran, kasama ang nagluwal na inang Filipina.
Ang sanggol ay kinilalang si Kish Andrew Bautista samantalang ang ina nito ay isang nagngangalang Noreen Bautista, Filipinang na-stranded sa naturang isla at inabutan na ng panganganak doon. Ang mag-ina ay pang-apat at panlimang Pinoy na pina-deport ng Iranian government simula noong Nobyembre. Ang naunang tatlo ay nakilalang sina Noron Abdullah, Marcial Hanopol at Carlo Medina.
Ayon kay Benito Valeriano, Philippine consul general sa Dubai, si Kish ang pinakabatang pina-deport ng gobyerno sa Pilipinas mula sa Kish Island.
Nabatid na hinihintay ni Noreen ang kanyang visa sa Kish Island upang muling makapasok at makapagtrabaho sa Dubai nang abutan ito ng panganganak doon.

Friday, December 26, 2008
Pinay Domestic Helper in Abu Dhabi
Umaabot sa 224 ang bilang ng mga kaso ng mga naglayas na Filipino domestic helper (DH) sa Abu Dhabi pagtungtong ng kalagitnaang bahagi ng 2008 hanggang bago tuluyang magtapos ang kasalukuyang taon.
Karamihan sa mga naglayas na Pinay DH ay nakaranas ng hindi makataong pagtrato sa kanilang mga dayuhang employer at halos wala na umanong pahinga kung pagtrabahuhin sa banyagang lugar.
Ayon kay Nasser Munder, labor attaché ng Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, bukod sa nararanasang pagka-api ng mga Pinoy workers ay mayroon pa umanong mga pagkakataon na ayaw umanong ibigay ng mga employer ang kanilang mga travel documents.
Gayunpaman, sinabi ni Munder na mas madali naman ang pagpapauwi sa mga distressed workers na nagiging biktima ng panggagahasa at physical abuse.
“Rape, physical abuse and any criminal case against the employer even make it easier for us to repatriate these distressed workers because we just take the runaway maids for a medical examination and file the case in court,” ayon kay Munder.
Kagyat umanong ibinibigay ang pasaporte at pinagkakalooban din ng plane ticket pabalik ng Pilipinas ang Pinay DH kung may kinalaman sa ‘criminal act’ ng kanilang employer ang kanilang desisyon ng paglalayas.Sa kabila nito, marami pa rin umanong mga ‘runaway maid’ ang stranded sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) dahilan sa pagtanggi ng mga employer na ikansela ang kanilang mga visa.

Labels:
abu dhabi,
balitang abroad,
gulf country,
middle east,
pinay dh
Subscribe to:
Posts (Atom)