Umaabot sa 224 ang bilang ng mga kaso ng mga naglayas na Filipino domestic helper (DH) sa Abu Dhabi pagtungtong ng kalagitnaang bahagi ng 2008 hanggang bago tuluyang magtapos ang kasalukuyang taon.
Karamihan sa mga naglayas na Pinay DH ay nakaranas ng hindi makataong pagtrato sa kanilang mga dayuhang employer at halos wala na umanong pahinga kung pagtrabahuhin sa banyagang lugar.
Ayon kay Nasser Munder, labor attaché ng Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, bukod sa nararanasang pagka-api ng mga Pinoy workers ay mayroon pa umanong mga pagkakataon na ayaw umanong ibigay ng mga employer ang kanilang mga travel documents.
Gayunpaman, sinabi ni Munder na mas madali naman ang pagpapauwi sa mga distressed workers na nagiging biktima ng panggagahasa at physical abuse.
“Rape, physical abuse and any criminal case against the employer even make it easier for us to repatriate these distressed workers because we just take the runaway maids for a medical examination and file the case in court,” ayon kay Munder.
Kagyat umanong ibinibigay ang pasaporte at pinagkakalooban din ng plane ticket pabalik ng Pilipinas ang Pinay DH kung may kinalaman sa ‘criminal act’ ng kanilang employer ang kanilang desisyon ng paglalayas.Sa kabila nito, marami pa rin umanong mga ‘runaway maid’ ang stranded sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) dahilan sa pagtanggi ng mga employer na ikansela ang kanilang mga visa.
Sponsor Links
Friday, December 26, 2008
Pinay Domestic Helper in Abu Dhabi
Labels:
abu dhabi,
balitang abroad,
gulf country,
middle east,
pinay dh
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment