Sponsor Links

Sunday, December 28, 2008

Pinakabatang Pinoy pina-deport ng Iran

Isang bagong silang na sanggol ang pina-deport mula sa pagkaka-stranded sa Kish Island sa Iran, kasama ang nagluwal na inang Filipina.

Ang sanggol ay kinilalang si Kish Andrew Bautista samantalang ang ina nito ay isang nagnga­ngalang Noreen Bautista, Filipinang na-stranded sa naturang isla at inabutan na ng panganganak doon. Ang mag-ina ay pang-apat at panlimang Pinoy na pina-deport ng Iranian government simula noong Nobyembre. Ang naunang tatlo ay nakilalang sina Noron Abdullah, Marcial Hanopol at Carlo Medina.

Ayon kay Benito Valeriano, Philippine consul general sa Dubai, si Kish ang pinakabatang pina-deport ng gobyerno sa Pilipinas mula sa Kish Island.

Nabatid na hinihintay ni Noreen ang kanyang visa sa Kish Island upang muling makapasok at makapagtrabaho sa Dubai nang abutan ito ng panganganak doon.

No comments:

Post a Comment