Hindi na pinagre-renew ng kanilang kontrata at sa halip ay pinauuwi na sa Pilipinas ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa Cyprus.
Ito ay makaraang magpasya ang pamahalaan ng naturang bansa na iprayoridad ang kanilang mga kababayan sa local job opportunities.
Sa ilalim ng batas ng Cyprus, kailangang tuluy-tuloy na magtrabaho at manirahan sa kanilang bansa ang isang dayuhang manggagawa bago ito magkuwalipika na kumuha ng ‘permanent residency’ ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ito ipinagkaloob ng dayuhang gobyerno sa kuwalipikadong mga Pinoy workers at sa halip ay puwersahan na itong pinababalik ng Pilipinas pagkatapos ng kanilang kontrata.
Isa si John Tumagda sa mga OFW na patapos na ang 5-taong kontrata at nakatakdang bumalik ng Pilipinas. Kahit umano ‘in demand’ ang mga Pinoy chef na tulad niya sa Cyprus ay hindi pa rin ire-renew ang kanyang kontrata dahil ito ang polisiya ngayon ng naturang gobyerno.
Kaugnay nito, iniulat naman kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umabot na sa 312 ng kabuuang 439 nasisante at nagsiuwing OFWs ang natulungan na ng pamahalaan at naipila sa mga recruitment agencies para muling makapagtrabaho sa abroad.
Sponsor Links
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment