Umaabot sa 45,000 depositors ang direktang apektado sa pagsara ng ilang bangko sa lungsod ng Cebu, ayon sa isang opisyal ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Sinabi ni Ferdinand Beluan, PDIC member, na kasalukuyan pang tinatamasa ng kumpanya ang records ng Bank of East Asia, Pilipino Rural Bank at mga sangay nito sa nasabing lungsod, Philippine Countryside Rural Bank at mga bangkong may kaugnayan sa Legacy Group of Companies.
Aniya, kinakailangang kumpleto at bukas ang lahat ng records ng mga nasabing bangko bago isasailalim ang mga ito ng PDIC sa isang malalimang ebalwasyon.
Bukod dito, sinabi ni Beluan na inaatas pa nito ang release ng P250,00 na hinihingi ng mga depositors.
Ayon naman kay Nathaniel Tumbokon ng finance department ng PDIC, 98 porsiyento ng depositors ay saklaw ng PDIC at ang 2 porsiyento ay ng bank’s assets.
Siniguro rin nito sa mga depositors na makukuha nila ang kanilang insurance.
Sa panig naman ni Awin Lim, miyembro ng Cebu federation of Rural Banks, huwag umanong mabahala ang mga depositors at dagdagan pa ang kanilang tiwala sa mga rural banks.
Sponsor Links
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment