Kabuuang 128,000 mga bagong working visas na ekslusibo lamang para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang binuksan ng bansang Qatar.
Sa nasabing bilang, 37,000 sa mga ito’y may aktuwal nang job contracts para sa mga OFWs na siyang unang inihayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong bumisita ito sa Qatar nitong weekend.
Sa panayam kahapon sa MalacaƱang, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Peter Favila na ang pagbubukas ng mga bagong working visas sa mga OFWs ay isa sa napagkasunduan sa pakikipagpulong ni Pangulong Arroyo sa mga government officials ng Qatar nitong weekend.
Ani Favila, karamihan sa mga OFWs na mabibiyayaan ng working visas ay sa propesyon ng engineering ngunit may iba pa aniyang skilled jobs na nasa talaan ngayon ng Department of Labor and Employment.
Sponsor Links
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment